KRIIIINNNNG! Wake up in the morning feeling like sleeping again. Dammit! Sabog pa ko :) Yeepee! Ang ganda ng araw today. Nakakagana pumasok :)) Maaga akong pumuntang skool para lang tumunganga ng dalawang oras kasama si WENDY GARCIA . Ang mga sumunod na oras ay boring talaga. Ayown had lunch with Maj, MarcPaul, Gayle (walking disaster), Milo(tatakbo) and Rizza(RollingintheDeep). Naloka ako sa Rhetoric ng bigla akong magrecite dun sa may / P / voiceless bilabial stop articulators keme kembular. Nagulat ako ng sabihin ko iyong piece at biglang umentra ang aking Mamu Erfe ng fes sabay turo sa mukha niya. Nagpakarolling "On the floor" talaga ako by JLo kakatawa. HAHAx)) Kelan pa kaya naging panitikan ang "Judas" at naging single ng Smokey Mountain ang "Ilog Pasig". First time kumain ng "Instant Noodle" na malamig ang tubig. Ang crunchhhy tuloooy hanggang i-aanounce ng PLM na (sa wakas) class is suspended. Kanya-kanya ng kinkiri ng mga estudyante. May mga sinisilihan ang pwet, may pacall call effect sa mga mudak at bowa, may mga looser na walang payong at kumankanta ng "Heto ako basang-basa sa ulan wlang masisilungan, walang malalapitan...." Isa na dun si Gayle na sadyang minalas today dahil wala siyang uMbrella(silent U). So ayun, kasabay ng pagkawarak ng slippers niya ay pagkatanggal ng swelas ni Jemimah. Next time kasi, magdala ng ElastaSealm yung sa bubong. Etooo na... "I'm coming home" na by Diddy. - Level 1 - Ang paglakad palabas ng PLM at pagsalubong sa baha. Anooosavvvvvve ng GoldFish sa loob ng sapatos ko? -Level 2- Ang pagkapa sa manhole, kulang na lang saklay at salamin para dumama ng butas. Ang saya nito. Nabawasan yung 1up ko dahil nahulog ako sa manhole at umupo sa baha. Ang drama... basa ang panty at bra. Fishkill pagtayo! Shootah. Amoy Imburnal nako. Pero mas malala ang kay Gayle (itanong niyo na lang sa kanya o kay jienelle fei fernando). Baka magalit eh. Basta nagamit ni Gayle ang P.E. Swimming niya :) -LEVEL 3- Ang pagsakay sa jeep, sa may bandang gitna at kaawaan ng kapwa pasahero. Natouch ako nung magbigay sila ng space para sa amin. Suppperrr. Hanggang tumirik ang jeep sa may bandang Lawton at sobra akong sumaludo sa dalawang kalalakihan na nagtulak ng jeep para sa amin. Grabbbe, super pogi points yung ginawa nila. Kasama na sun siJohnLeryAsilo, grabe.. Crush na kita! Thank you! Hindi ko alam kung nakilala mo pa ko kanina sa jeep dahil nangitim na ko buhat sa imburnal. Idagdag pa dun ang amoy namin. Diba? LALALALA (naiimagine ko na kamukha ko si Nam nung mga oras na iyon (yung before ah x) ). -Level4- Biyaheng Tayuman. Poooootack, walang masakyan. Akala ko maiistranded na ko kasama ang sangkatauhan ng Tondo na naghihintay ng Dyip. Buti na lang may mabait na Jeepney Driver na naningil ng PHP40 para umikot ng ruta papuntang pritil. Naawa ako sa kanya kasi limang beses tumirik yung kotse niya pero Go pa rin siya sa pagmaneho. Hidi pa rin dun maalis yung trauma ko sa pagkahulog mula sa manhole, buti na lang inalis ni kuyang cute ang lahat ng takot dito sa puso ko at napakanta ako ng "Jeepney Love Story" ni Yeng C. Grabbee, ang gwapo niya! Pinagsamang Mario Maurer at Ivan Dorschne! Pooootikkkk! Kundi lang sana ako nahulog sa imburnal. :(
Pero nadagdagan ang 1up ko pag-uwi at makita ang peborit kong ulam na giniling with hotdog. Idagdag na dun ang sobra kong pera na hindi ko alam kung saan nanggaling? Eto ako ngayon, at sinisipit ang notebook ko at paperworks habang nagpapatuyo ng paa kong punong-puno ng wrinkles. Ganito pala buhay college, WATERPROOF lang. Kung kelan gabi tsaka isususpend. Gaga lang? Nahiya naman ako sa suspension ng class bukas dahil sa ayaw at sa gusto ko eh wala namang talagang pasok nukas dahil Araw ng Maynila at freeday namin. Pwede bang sa ibang araw na lang ikaltas? Ay oo nga pala, San Juan bukas, which means basaan sa daan. hhhhhaaaaayyy, Waterproof :')