love dove love dove <3
Ito ang karaniwang nadarama ng bawat teen-ager na tulad ko sa tuwing makikita ang taong hinahangaan nila. Hindi mawari ang pagkulo ng tiyan o iyong tinatawag na "butterflies in stomach", ang sagad to the bones na kakiligan. Nabalintataw tuloy sa aking isipan nung ako'y freshman pa lang ng sekundaryang paaralan. Naging baliw ako noon sa isang tao. Itago na lang natin siya sa codename na po. Basta iyon na iyon. Apssst! Wala ng clue :) Balik sa kabaliwan, Oktubre nuon at idinaraos ang taunang fondation day sa aming paaralan nung una ko siyang masilayan. Maraming nagsasabi na mambobola daw siya ngunit nung kami'y nagkausap ay pakiramdam ko ako lang ang may hawak ng puso niya. Akala ko nga nung mga panahong iyon ay inlove na ako. Dumating ang mga araw na mas nagiging close na kami, nandun yung mga puntong gusto ko ng kantahin ang Whip my Hair ni Willow Smith dahil sa atensyong binibigay niya sakin. Siya rin ang nagsilbing inspirasyon ko sa aking pag-aaral hanggang dumating ang araw na malaman ko ang kanyang inililihim. Ipinagpusta niya lang pala ako. Aaminin kong masakit, sobrang sakit... Gabi-gabi ay nalalasahan ko ang alat ng aking mga luha, ang pait na dulot ng panloloko niya. Hindi ko ginawang dahilan ang kasawian sa pag-ibig(kuno) para magpakalugmok bagkus ay ginawa ko itong instrumento para gumawa ng mabuti. Unti-unti kong nilagyan ng laman ang aking katawan, mas nagsikap ako sa pag-aaral. Pilit ko siyang inalis sa isipan ko....
Pagkalipas ng apat na taon.....
Nawala na ang kantiyawan ng mga kaklase ko ganon na rin ang kabaliwan ko sa kanya hanggang makita ko siya sa unibersidad na pinapasukan ko. I stay still when I stand right next to "Po". Eyes to eyes. Nose to nose. Lips to lips. Char! HAHAX] Balik sa kwento. Hindi ko alam kung aatras ba ko dahil sa kahihiyang nararamdaman ko (Ako pa talaga yung nahiya, ako na nga iyong niloko. San ka pa?) o kakamayan ko siya at pasasalamatan dahil sa kanya ako ay naging ganito :) Ewan ko ba... Pero isang bagay lang sigurado ako, iyon ay ang pagkawala ng "MUMUNTING RIGODON" sa puso ko tuwinang nakikita ko siya. Hindi ko talaga alam kung paano ako magbebehave kapag magkaharap na kami.
Pero after 4 years, natatawa na lang ako kapag naaalala ko iyong kabaliwan na iyon. Kasama talaga yata iyon sa paglaki. Wala bang sa pagliit? (tawa naman diyan, che!) Pasensya na sa abala ha, first time kong magsulat dito. HAHAx] Next time ulit. Iempake pa kong damit papuntang Thailand dahil kakatagpuin ko ang bago kong KINABABALIWAN! HAHAx]]] Hanggang sa muling pagkikita, PAALAM!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento